Search This Blog

Friday, February 15, 2013

On Line Journal


February 15, 2013- Friday


Trip ko lang isulat kung ano mang nangyayari sa buhay ko. Theraphy na rin siguro 'to para mabawasan kahit papaano ang stress ko. Wala ng edit-edit 'to, basta ita-type ko lang ang kahit na anong pumasok sa isipan ko.

Third year college na ako. BSBA Major in Human Resources Development Management ang course ko. Para rin naman akong hindi nag-aaral eh, kasi pa-easy-easy lang kahit na ba napakaraming gagawin. Haha. Pero nakaka-stress. Minsan nga, sumasakit ang ulo ko kasi iniisip ko paano 'pag nagtrabaho na ako.

Magagamit ko ba lahat ng pinag-aralan namin? paano ko iyon maa-apply.

Valentine's day kahapon, ayon, walang date. 19 years ng single eh. haha, maniwala kayo sa hindi, oo. Wala eh, medyo tanga sa pag-ibig. Parang ordinaryong araw lang naman eh. at wala rin akong pakialam sa V-day kasi nga single ako! Haha. Isa lang siyang ordinaryong Huwebes na nagdaan.

kailan kaya magiging romantic at kakaiba ang v-day ko? Pero last year, binigyan ko ng isang bouquet ng roses ang first love ko. kapangatog ng laman na pumunta sa bahay nila na ako lang mag-isa. haha.

bad trip nga kahapon eh, sarap magmura. biruin n'yo, nag-type ako sa MS Word ng kuwento... on the spot ko ginawa, sinave ko naman pero nang buksan ko, takteng yan, nawala ba eh. hindi ko alam kung bakit.. wala pang back-up. napamura nga ako ng wala sa oras eh.

nakaka-stress pala ng husto ang ganoon. eh masakit pa ang ulo ko kagabi kaya hindi ko na gaanong matandaan kung ano ang mga sinulat ko. eh pag nagsulat pa naman ako, basta sinusulat ko lang lahat at hindi ko na natatandaan, unless, babasahin ko ulit.

first time nangyari sa akin iyong kagabi. bugnot na bugnot ba ako. pakset.

gusto kong sirain iyong computer namin,. paano ba naman, ang tagal kong ginawa tapos mapapalaot lang pala. balak ko na ngang tigilan ang pagsusulat ng kuwento na iyon kasi first chapter pa lang iyon ay ganoon na ang nangyayari.

dapat, matutulog na ako, kaso lalo lang akong hindi mapapakali kung hindi ko gagawin ulit. ayon, ginawa ko rin.

corny nga ng nasulat kong bago eh, mas maganda iyong nauna na nabura. bad trip talaga. sayang ang ideas ko sa nawalang file, eh pag ganoon pa naman, mas maganda minsan ang nauna. iba pa ang mga wordings na ginamit ko. asar.

pero kahit naman maasar ako, wala na akong magagawa eh. nabura na eh. at nakagawa na ako ng bago. hayaan mo na.

sige. bukas ulit.

09:24 PM





No comments:

Post a Comment