February 19, 2013- Thursday (10:16 AM)
Hindi talaga
nakakamit agad-agad ang tagumpay ‘no? I want to be the greatest songwriters
that the Philippines and even the world has ever produced. At may songwriting
contest ang TV5, Philpop. Siyempre, sasali ako kasi feeling ko ay p’wede na
iyong maging way para matupad ko ang pangarap ko. Tsaka, sayang ang 650+ songs
ko kung nasa notebook lang dito sa bahay namin.
Talaga sigurong
tine-test kung susuko ka agad sa pangarap mo. Ite-test kung hanggang saan ang
kaya mong gawin para matupad ang pangarap mo kasi, una, iyong best friend ko
sana ang pakakantahin ko ng composition ko kasi maganda ang boses niya ‘pag
recorded, ako panget. Kaso, ayaw naman niya. Asar nga eh!
Sunod naman,
iyong kaibigan ko ring lalaki, kaso sinipon naman. Tsk! Ngayong nakapag-record
naman na ako, at magpapasa na ng form sa site ng Philpop, hindi ako
makapagpasa. ‘Please provide a valid number’ ang nakalabas. Eh chineck ko naman
iyong mga finill-up-an ko, tama naman. Tsk! Asar talaga. Sayang kasi iyong
opportunity kung hindi ako sasali.
Bahala
na.
NP: What Makes you Beautiful
10:23 AM
No comments:
Post a Comment