Search This Blog

Saturday, February 23, 2013

Pretzel

I named her from my favorite chocolate snacks, Pretzel.


 isn't she lovely?

I named her from my favorite chocolate snack, Pretzel. She was born on December 15, 2012 with five siblings. Unfortunately, one of her siblings died after a day.




February 23, 2013



February 23, 2013- Saturday (07:43 PM)

                Ang saya! Nakapagpasa na ko ng kanta sa contest na Philpop! Tanga-tanga ko lang, dapat pala ay walang hypen ang number para mag-send. Hahahaha. It could be the start!

                At eto pa ang matindi, kanina, habang nasa canteen kami ng mga college friends ko pinag-uusapan namin ang professor namin na nakaka-badtrip. While we were talking, I have that feeling that somebody is eavesdropping to our conversation. I don’t know why . 

                After a while, natingin ang friend ko sa kabilang side ng canteen… tantananan!!! Nandoon iyong professor namin!!! Hahahaha. Eh ang lakas-lakas pa naman ng boses namin! Hindi namin alam kung gaano na siya katagal do’n at kung hanggang saan ang narinig niya. Pero feeling namin ay sinadya niyang pumuwesto sa mga matao para naman hindi namin siya mapansin agad.

                Eh puro “pintas” pa naman niya ang pinag-uusapan namin. Feeling ko nga ay narinig niya ang sinabi ko na “Mas okay pang tumahimik na lang tayo at ‘wag patulan ang mga pagpaparinig niya kasi lumalabas lang na mas edukado tayo sa kanya.” Tsaka “Dapat doktora ang itawag natin sa kanya tutal naman ay palagi niyang pinapamukha sa ‘tin na doktor siya.”

                Hahahahaha.

                Kinabahan kami bigla na na-excite. Kasi ine-expect namin na magngingitngit siya , magpaparinig at magsasabong na kami at long last. Eh may exam pa naman kami sa kanya.

                Iyong isa ko ngang kaklase, ang sabi noong hindi pa namin alam na nandoon si peyborit prof, “Doktora, p’wede po bang magpatingin ng  lutang na utak!” Hahahaha. Umaalingawngaw pa naman ang boses niya sa canteen. Ayon…

                Dumating na ang time namin ng exam. Ine-expect namin na magna-nag kasi gawain naman niya iyon. Ba, wala kaming narinig at parang kay lumalumanay ng boses niya. Hindi namin alam bakit ganoon. Para nga tuloy nakakakonsensiya. Pero at least, narinig niya (kung narinig man niya) ang mga sinabi namin sa kanya. Kasi akala mo kung sino siyang kay taas-taas. 

                Doktor siya, pero it doesn’t necessarily mean na mang-degrade ka ng estudyante mo. Hindi ko alam bakit siya gano’n. Iniisip ko nga na baka may nangyari sa past niya na minata siya ng teacher niya… but still, hindi na niya dapat gawin pa iyon sa mga estudyante niya ngayon. 

                Takot siguro sa ‘min kaya ‘di nagparinig? Hahahaha. Pero ganoon daw iyon eh. Naging prof din ng ate ng kaklase kong umaalingawngaw ang boses, dahil sa palaban ang ate niya, ayon, ‘di umubra ang mga pagpaparinig at tumahimik lang siya. 

                Pero kung narinig man niya ang sinabi ko, wow, saklap. Masakit iyon eh. Mas edukado. Hanep. Pero okay lang iyon.

                One thing ang napatunayan ko habang nag-e-exam kami. Ako talaga ang apple of the eye niya kasi nang makita niya kong matapos (ako nauna) sinabi niya na p’wede na raw magpasa ng papel. At nang makita niyang magpapasa na ang friend ko after a while, sinabi niya na ang mga tapos na, p’wedeng umalis na. Eh alam niyang palagi kong inaantay ang friend ko na ‘yon. Assuming lang siguro ako o sadyang nataon. Ewan.

                Galit siya sa ‘kin kasi nahuli niya kong nakikipagkopyahan at nakikipagtanungan sa classmate ko noong exam. Hahaha. Eh pa’no puro definition ang tanong sa exam, ‘di naman siya nagtuturo ng maayos. Do’n na nagsimula ang giyera.

                Paglabas namin ng friend ko, ayon, doon medyo nagparinig. Na ayaw niya nga sa mga nangongopya. Blabla. At kapag salbahe daw sa kanya, kuwatro ang grade. ‘pag mabait naman, 2.75. Manigas siya! Hahaha.

                Feeling nga namin ay naiinis na sa ‘min ng husto ang prof namin na ‘yon kasi nasasagot namin ang mga exam niya. Feeling kasi namin ay hinihirapan talaga niya (kung mahirap man kasi essay at enumeration) para bumagsak kami at magkaroon ng utang na loob sa kanya. Eh pangako niya kasi lahat daw kami ay papasa. So props lang ang exam na ‘yon. Siguro nga, kasi iyong kasama kong na-5 sa prelim, pagdating ng finals, 1.25 ang grade. Pero kahit sa’ng anggulo talaga ay ‘di p’wedeng makakuha ng ganoon eh. p’wede 2.

                Yaan mo na nga siya. Madali sanang magpakababa kung nagpapakababa ang kapwa mo. Pero kung mapagmataas siya at lagi niyang pinapamukha sa iyo na wala kang kuwenta, ibang usapan na ‘yon.

NP: Take that Back for Good
08:00 PM

               

Friday, February 22, 2013

"Without Teachers, there will be no future"





February 22, 2013- Friday (06:09 PM)


Sabi nga ‘di ba, “Without teachers, there will be no future.”


Kaya nga thumbs-up ako sa mga teachers. Kasi nga ang hirap magturo. Nag-aral ka na, mag-aaral ka pa ulit. Tapos, makokonsume ka lang naman sa mga estudyante. Eh hindi pa naman lahat ng estudyante, mabilis pumick-up.


Eh kaso, pa’no naman kung ang professor mo, mahilig man-degrade ng estudyante? Pa’no kung napaka-plastic niya? Iyong tipo ba na kapag kaharap ka, pinupuri ka, pero kapag naman nakatalikod ka, sinasaksak ka na at kung anu-ano na ang sinasabi sa iyo?


Paano kung mapangmata siya palibhasa doktor ? Paano kung ang kitid ng utak niya na parang walang pinag-aralan? Tipo bang simpleng bagay ay pinapalaki pa? Paano kung ang hilig niyang humanap ng butas sa mga ginagawa mo? Pa’no kung lahat ng ginagawa mo ay pinapansin at pinupuna niya? Paano kung puro parinig siya?


Bad trip, hindi ba?!

Sarap mambastos! Sarap niyang konyatan! Akala mo kung sino siya?!


Akala niya kasi, lahat ng tao ay maple-please niya. Eh nakaka-badtrip naman ang pagmamayabang niya na walang katorya-torya!


Tapos, palagi pang ipapamukha sa iyo na doktor siya, pero ‘wag ka, binabasa lang naman niya kung ano ang nakasulat sa libro! Wala ngang discussion na nagaganap sa ‘min eh, puro translation lang eh. Ang galing niya nga ring mag-lullaby eh.


Ewan ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko siya, kumukulo lang ang dugo ko eh, at kung anu-anong hindi magandang bagay ang naiisip ko.

Minsan nga, mas lumalabas pa na edukado ang mga edukado ang mga estudyante niya kaysa sa kanya eh.


Good luck sa grade ko nito. Basta, papatunayan ko sa kanya na deserve kong pumasa. Hahaha.


NP: Dear John

06:15 PM








Monday, February 18, 2013

February 19, 2013





February 19, 2013- Thursday (10:16 AM)

                Hindi talaga nakakamit agad-agad ang tagumpay ‘no? I want to be the greatest songwriters that the Philippines and even the world has ever produced. At may songwriting contest ang TV5, Philpop. Siyempre, sasali ako kasi feeling ko ay p’wede na iyong maging way para matupad ko ang pangarap ko. Tsaka, sayang ang 650+ songs ko kung nasa notebook lang dito sa bahay namin.
                Talaga sigurong tine-test kung susuko ka agad sa pangarap mo. Ite-test kung hanggang saan ang kaya mong gawin para matupad ang pangarap mo kasi, una, iyong best friend ko sana ang pakakantahin ko ng composition ko kasi maganda ang boses niya ‘pag recorded, ako panget. Kaso, ayaw naman niya. Asar nga eh!
                Sunod naman, iyong kaibigan ko ring lalaki, kaso sinipon naman. Tsk! Ngayong nakapag-record naman na ako, at magpapasa na ng form sa site ng Philpop, hindi ako makapagpasa. ‘Please provide a valid number’ ang nakalabas. Eh chineck ko naman iyong mga finill-up-an ko, tama naman. Tsk! Asar talaga. Sayang kasi iyong opportunity kung hindi ako sasali.
                Bahala na.

NP: What Makes you Beautiful
10:23 AM