February 23, 2013- Saturday
(07:43 PM)
Ang
saya! Nakapagpasa na ko ng kanta sa contest na Philpop! Tanga-tanga ko lang,
dapat pala ay walang hypen ang number para mag-send. Hahahaha. It could be the
start!
At
eto pa ang matindi, kanina, habang nasa canteen kami ng mga college friends ko
pinag-uusapan namin ang professor namin na nakaka-badtrip. While we were
talking, I have that feeling that somebody is eavesdropping to our
conversation. I don’t know why .
After
a while, natingin ang friend ko sa kabilang side ng canteen… tantananan!!! Nandoon
iyong professor namin!!! Hahahaha. Eh ang lakas-lakas pa naman ng boses namin! Hindi
namin alam kung gaano na siya katagal do’n at kung hanggang saan ang narinig
niya. Pero feeling namin ay sinadya niyang pumuwesto sa mga matao para naman
hindi namin siya mapansin agad.
Eh
puro “pintas” pa naman niya ang pinag-uusapan namin. Feeling ko nga ay narinig
niya ang sinabi ko na “Mas okay pang tumahimik na lang tayo at ‘wag patulan ang
mga pagpaparinig niya kasi lumalabas lang na mas edukado tayo sa kanya.” Tsaka “Dapat
doktora ang itawag natin sa kanya tutal naman ay palagi niyang pinapamukha sa ‘tin
na doktor siya.”
Hahahahaha.
Kinabahan
kami bigla na na-excite. Kasi ine-expect namin na magngingitngit siya ,
magpaparinig at magsasabong na kami at long last. Eh may exam pa naman kami sa
kanya.
Iyong
isa ko ngang kaklase, ang sabi noong hindi pa namin alam na nandoon si peyborit
prof, “Doktora, p’wede po bang magpatingin ng lutang na utak!” Hahahaha. Umaalingawngaw pa
naman ang boses niya sa canteen. Ayon…
Dumating
na ang time namin ng exam. Ine-expect namin na magna-nag kasi gawain naman niya
iyon. Ba, wala kaming narinig at parang kay lumalumanay ng boses niya. Hindi
namin alam bakit ganoon. Para nga tuloy nakakakonsensiya. Pero at least,
narinig niya (kung narinig man niya) ang mga sinabi namin sa kanya. Kasi akala
mo kung sino siyang kay taas-taas.
Doktor
siya, pero it doesn’t necessarily mean na mang-degrade ka ng estudyante mo.
Hindi ko alam bakit siya gano’n. Iniisip ko nga na baka may nangyari sa past
niya na minata siya ng teacher niya… but still, hindi na niya dapat gawin pa
iyon sa mga estudyante niya ngayon.
Takot
siguro sa ‘min kaya ‘di nagparinig? Hahahaha. Pero ganoon daw iyon eh. Naging
prof din ng ate ng kaklase kong umaalingawngaw ang boses, dahil sa palaban ang
ate niya, ayon, ‘di umubra ang mga pagpaparinig at tumahimik lang siya.
Pero
kung narinig man niya ang sinabi ko, wow, saklap. Masakit iyon eh. Mas edukado.
Hanep. Pero okay lang iyon.
One
thing ang napatunayan ko habang nag-e-exam kami. Ako talaga ang apple of the
eye niya kasi nang makita niya kong matapos (ako nauna) sinabi niya na p’wede
na raw magpasa ng papel. At nang makita niyang magpapasa na ang friend ko after
a while, sinabi niya na ang mga tapos na, p’wedeng umalis na. Eh alam niyang
palagi kong inaantay ang friend ko na ‘yon. Assuming lang siguro ako o sadyang
nataon. Ewan.
Galit
siya sa ‘kin kasi nahuli niya kong nakikipagkopyahan at nakikipagtanungan sa
classmate ko noong exam. Hahaha. Eh pa’no puro definition ang tanong sa exam, ‘di
naman siya nagtuturo ng maayos. Do’n na nagsimula ang giyera.
Paglabas
namin ng friend ko, ayon, doon medyo nagparinig. Na ayaw niya nga sa mga
nangongopya. Blabla. At kapag salbahe daw sa kanya, kuwatro ang grade. ‘pag
mabait naman, 2.75. Manigas siya! Hahaha.
Feeling
nga namin ay naiinis na sa ‘min ng husto ang prof namin na ‘yon kasi nasasagot
namin ang mga exam niya. Feeling kasi namin ay hinihirapan talaga niya (kung
mahirap man kasi essay at enumeration) para bumagsak kami at magkaroon ng utang
na loob sa kanya. Eh pangako niya
kasi lahat daw kami ay papasa. So props lang ang exam na ‘yon. Siguro nga, kasi
iyong kasama kong na-5 sa prelim, pagdating ng finals, 1.25 ang grade. Pero
kahit sa’ng anggulo talaga ay ‘di p’wedeng makakuha ng ganoon eh. p’wede 2.
Yaan
mo na nga siya. Madali sanang magpakababa kung nagpapakababa ang kapwa mo. Pero
kung mapagmataas siya at lagi niyang pinapamukha sa iyo na wala kang kuwenta, ibang usapan na ‘yon.
NP: Take that Back for Good
08:00 PM
No comments:
Post a Comment