February
22, 2013- Friday (06:09 PM)
Sabi
nga ‘di ba, “Without teachers, there will be no future.”
Kaya
nga thumbs-up ako sa mga teachers. Kasi nga ang hirap magturo. Nag-aral ka na,
mag-aaral ka pa ulit. Tapos, makokonsume ka lang naman sa mga estudyante. Eh
hindi pa naman lahat ng estudyante, mabilis pumick-up.
Eh
kaso, pa’no naman kung ang professor mo, mahilig man-degrade ng estudyante? Pa’no
kung napaka-plastic niya? Iyong tipo ba na kapag kaharap ka, pinupuri ka, pero
kapag naman nakatalikod ka, sinasaksak ka na at kung anu-ano na ang sinasabi sa
iyo?
Paano
kung mapangmata siya palibhasa doktor
? Paano kung ang kitid ng utak niya na parang walang pinag-aralan? Tipo bang
simpleng bagay ay pinapalaki pa? Paano kung ang hilig niyang humanap ng butas
sa mga ginagawa mo? Pa’no kung lahat ng ginagawa mo ay pinapansin at pinupuna
niya? Paano kung puro parinig siya?
Bad
trip, hindi ba?!
Sarap
mambastos! Sarap niyang konyatan! Akala mo kung sino siya?!
Akala
niya kasi, lahat ng tao ay maple-please niya. Eh nakaka-badtrip naman ang
pagmamayabang niya na walang katorya-torya!
Tapos,
palagi pang ipapamukha sa iyo na doktor siya, pero ‘wag ka, binabasa lang naman
niya kung ano ang nakasulat sa libro! Wala ngang discussion na nagaganap sa ‘min
eh, puro translation lang eh. Ang galing niya nga ring mag-lullaby eh.
Ewan
ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko siya, kumukulo lang ang dugo ko eh, at kung
anu-anong hindi magandang bagay ang naiisip ko.
Minsan
nga, mas lumalabas pa na edukado ang mga edukado ang mga estudyante niya kaysa
sa kanya eh.
Good
luck sa grade ko nito. Basta, papatunayan ko sa kanya na deserve kong pumasa. Hahaha.
NP:
Dear John
06:15
PM
No comments:
Post a Comment